No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong transport terminal sa Bambang, binuksan ng LGU, LTFRB

Pinangunahan nina Bambang, Nueva Vizcaya Mayor Benjamin Cuaresma III (Ika-apat mula sa kaliwa) at LTFRB Regional Director Edward Cabase (Ika-pito mula sa kaliwa) ang pormal na pagbubukas ng bagong Transport Terminal kasama ang 15 modern PUVs ng Vizcaya - Santiago-Cordon Transport Cooperative (VISCON). Ani Cuaresma, ang mga bagong PUVs ay bibiyahe sa rutang Solano-Sta. Fe at pabalik. Larawan mula sa PIA

BAMBANG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Sama-samang binuksan kamakailan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Bambang, Nueva Vizcaya at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang bagong transport terminal sa Barangay Homestead.

Ang bagong terminal ay binuksan bilang kapalit ng dating terminal sa Barangay Buag na ginamit ng dalawang taon dahil sa COVID-19 Pandemic.

Ayon kay LTFRB Regional Director Edward Cabase, pinalitan ang dating terminal dahil sa pagbabago ng mga alituntunin o regulasyon sa pagpapatayo ng mga transport terminals.

Dagdag nito, hindi na pwedeng gamitin ang dating terminal sa Brangay Buag na kapitbahay ng Nueva Vizcaya State University (NVSU) dahil ipinagbabawal na sa pagbabalik ng face-to-face classes ng mga paaralan sa bansa.

Inilunsad din ng LTFRB at LGU Bambang, kasama ang Vizcaya – Santiago – Cordon Transport Cooperative (VISCON) ang 15 Modern Public Utility Vehicles na bibiyahe sa rutang  Solano-Sta. Fe at Sta. Fe-Solano.

Nagpahayag ng kagalakan si Bambang Mayor Benjamin ‘Jamie’ Cuaresma dahil sa operasyon ng bagong terminal.

Ayon sa kanya, susuportahan ito ng LGU kung saan ibabalik sa terminal management ang mga malilikom na pondo upang mapaganda pa ang lokasyon at pasilidad nito.

Dagdag ni Mayor Cuaresma na lalo itong makakatulong sa mga mananakay dahil strategic ang lokasyon nito  na nasa gilid lamang ng national highway. (OTB/BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch