No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

 DOLE Kabuhayan Nego-Kart project nagsimula na, 106 mobile vendors naging benepisyaryo

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA) -- Umarangkada na ang kabuhayan Negokart Project ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa limang (5) bayan ng probinsya ng Sorsogon.

Ang kabuhayan Negokart Project ay nasa ilalim ng livelihood program ng DOLE kung saan tinutulungan ang mga walang hanapbuhay, may mababang income at mga nagnanais na makabangon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Sa panayam ng PIA Sorsogon kay Mark Llaneta, DOLE Sorsogon LEO I/CLPEP focal person sinabi nito na aabot sa 106 na mobile vendors ang naging benepisyaryo ng programa, kung saan 24 na benepisyaryo ang mula sa bayan ng Bulusan, 20 sa Barcelona, 17 sa Gubat, 25 sa Donsol at 20 naman sa Bayan ng Irosin.

Ang mga naging benepisyaryo ng programa ay nakapasa sa criteria ng DOLE kung saan isa sa pangunahing criteria ay hindi dapat myembro o kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Maliban sa mga foodcart na kanilang natanggap, nabigyan din sila ng mini gasul, blender, barbeque grill, hairnet, apron, gloves at facemask.

Ayon kay Llaneta, nais ng programa na matulungan at mabigyan ng hanapbuhay ang bawat mamamayan na sobrang nangangailangan at nang mabawasan ang kawalan ng hanapbuhay na nagiging isa sa dahilan ng kahirapan.

Hiling ni Llaneta sa mga naging benepisyaryo na alagaan at ingatan ang ibinigay ng DOLE dahil malaking tulong ito sa kanilang pamumuhay.

Laking pasasalamat naman ng mga naging benepisyaryo sa DOLE at sa Lokal na pamahalaan ng mga nasabing bayan dahilan sa kanilang natanggap. (MBAringo, PIA5/Sorsogon)

Photo from DOLE Sorsogon

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch