No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagkuha ng akreditasyon para sa serbisyo at repair enterprise, binigyang palugit ng DTI-OrMin

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- “Lahat ng enterprises at mga technical personnel na nagbibigay ng serbisyo at kumukumpuni ng mga motorsiklo, heavy equipment, makina at mga gawaing enhinyero, elektroniko, elektrikal, air-conditioning at refrigeration at iba pang kahalintulad na trabaho ay kailangan mag-apply ng akreditasyon sa Department of Trade and Industry (DTI), gayundin ang mga magre-renew bago ang huling araw ng Enero ngayong taon.”

Ito ang mariing panawagan ni DTI Oriental Mindoro Provincial Director Arnel Hutalla sa mga nagbibigay na nabanggit na serbisyo sa publiko na ayon sa nakasaad sa Section 1 ng Presidential Decree (PD) 1572.

Sinasabi din ito sa Republic Act No. 7394 o ang ‘Consumer Act of the Philippines’ na obligado ang pagkakaroon ng akreditasyon sa mga tauhan ng establisyimento mula sa DTI upang mapangalagaan ang interes ng mga nangangailangan ng mga pagre-repair at serbisyo. Hindi rin anya maaaring mag-operate ng naturang negosyo kung walang akreditasyon ang nasabing ahensiya ng pamhalaan.

Dagdag pa ni Hutalla, sakaling napatunayan na lumabag ang isang establisyimento sa mga probisyon ng Consumer Act of the Philippines ay maaari itong mapatawan ng administratibong parusa, pati ang paghahain ng cease-and-desist order at multa na hindi tataas sa Php 300,000.00.

Sa mga nais magtanong o makakuha ng akreditasyon, maaaring pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI o sa mga Negosyo Center. (DN/PIA-MIMAROPA/DTI-OrMin)


Larawan sa itaas mula sa DTI-Oriental Mindoro

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch