No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Calapan LGU at Pamahalaang Panlalawigan ng Gyeongsangbuk-do ng Korea, lumagda sa MOU

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Kamakailan ay lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) si Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo at mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Gyeongsangbuk-do sa South Korea para sa pagpapadala ng mga manggagawang Calapeño sa nasabing bansa upang maging agricultural farm workers.

Nakipagpulong si Morillo kina Lim Haebok, Jeon Byeonghun, Jeong Jeongsu at Hong Soongu mula sa bansang Korea tungkol sa mga gawaing agrikultura na kung saan ibinida ng alkalde na ang mga Calapeño ay masipag, maayos magtrabaho at malaking tulong din anya itong oportunidad na mapaayos at gumaan ang pamumuhay ng kanilang pamilya kung mabibigyan ng pagkakataon.

Prayoridad ng magkabilang panig na mapangalagaan ang mga ipapadalang manggagawa kaalinsabay ng kasiguruhan ng lahat ng alituntunin at regulasyon sa trabaho ay ayon sa batas at mga pagkakataong makapangalap ng mga trabahador ang nasabing pamahalaang panlalawigan ng Korea mula sa lungsod na ito. (DN/PIA-OrMin/Kate Redublo/CIO)


Larawan sa itaas: Makikitang lumalagda si Calapan City Mayor Marilou Morillo (nakaupo na naka-puting kasuotan) sa Memorandum of Understanding (MOU) na sinaksihan ng mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Gyeongsangbuk-do ng Korea at kawani ng Pamahalaang Lungsod para makapagpadala ng mga magsasakang Calapeño sa Korea na ginanap sa Conference Room ng City Hall kamakailan. (Larawan kuha ng Mayor Tita Malou Flores-Morillo Official FB Page)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch