BASCO, Batanes (PIA) – Iniimbestigahan ng Department of Health Center for Health and Development - Regional Epidemiology (DOH CHD-RESU)and Surveillance Unit ang pagtaas ng bilang ng pediatric patients na nagpapakonsulta at naa-admit sa ospital na may sintomas ng diarrhea at pagsusuka.
Ayon sa Batanes Provincial Health Office’ Facebook page, limampu’t isang pasyente na ang nagpakonsulta simula January 1 hanggang January 11, 2023 kung saan karamihan sa mga ito ay mga residente ng bayan ng Basco.
Dahil dito nagsagawa na ang provincial at municipal health offices ng inspeksyon sa mga water refilling stations, food establishments at water sources.
Naipadala na rin ang mga nakolektang water samples mula sa mga water refilling stations para sa water analysis.
Maliban dito ay nagsasagawa na ng “Bandillo Campaign for Diarrhea Awareness" ang lokal na pamahalaan para sa kaalaman ng publiko.
Samantala, ang team ng CV-CHD RESU ay magsasagawa rin ng medical records review at key informant interview habang nasa probinsiya para matukoy ang sanhi ng sakit. (OTB/CEB/PIA Batanes/Photos by BPHO)