No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

5-storey medicine building, ipapatayo sa Bayombong, NV

Nagsasagawa ng groundbreaking ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) at Region 2 Trauma & Medical Center (R2TMC) sa Bayombong, Nueva Vizcaya para sa itatayong Medicine Building. Nagkakahalaga ito ng P399M mula sa Health Facility Enhancement Program (HFEP) ng DOH. (Larawan kuha ng PIA)

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Uumpisahan na ng Department of Health (DOH) ang pagpapatayo ng P399 million na Medicine Building sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC).

Ayon kay Dr. Danilo Alejandro, chief Medical Professional Staff ng R2TMC, ang limang palapag na Medicine Building na may 250 beds ay pinondohan ng DOH sa ilalim ng Health Facility Enhancement Program (HFEP) na inaasahang matatapos sa January 2027.

“Ang multi-year project na ito ay inaasahang sasagot sa tumataas na bilang ng mga pasyenteng nangangailangan ng mga kwarto at lugar habang sila ay ginagamot sa R2TMC,” pahayag ni Dr. Alejandro.

Kamakailan lamang, isinagawa ng mga opisyal ng R2TMC at DOH ang groundbreaking para sa ipapatayong gusali na lubhang kailangan para sa mga pasyenteng nagpapagamot sa R2TMC.

Dagdag ni Dr. Alejandro na ilan sa mga pasilidad  ng  8,550 square meters na gusali ay ang  emergency at laboratory departments, blood bank, geriatric ward, Intensive Care Units (ICUs) at private wards.

Ayon pa kay Dr. Alejandro, kasama din sa itatayong Medicine Building ang retaining wall,  helipad at iba pa. (OTB/BME/PIA NVizcaya)  

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch