No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga deboto sa Batanes, ipinagdiwang ang kapistahan ng Sto. Niño

BASCO, Batanes (PIA) – Nakiisa ang probinsiya ng Batanes sa pagdiriwang ng kapistahan ng Señor Santo Niño nitong linggo,  ika labing lima ng Enero 2023.

Sinimulan ang pagdiriwang sa isang banal na misa sa Cathedral of the Immaculate Concepcion na pinangunahan ni Father Zenki Manabat, matapos ito ay nagkaroon ng pagbabasbas ng mga imahen ng Santo Niño na dala ng mga deboto.

Kasunod nito ang  prusisyon at street dancing na ginanap sa mga  kalye ng Basco pabalik sa harap ng Cathedral of the Immaculate Concepcion kung saan idinaos ang 14th  Lechunan ng Bayan, nagkaroon ng munting salu-salo ang  mga deboto sa  libreng lechon at sopas o yellow rice.

Ipinadiwang din ang 14th Children’s Festival kung saan nagkaroon ng palaro para sa mga batang dumalo sa pagdiriwang.

Ang pag-gunita sa  kapistahan ng Santo Niño  ngayong taon  ang ika-anim na pagsasagawa nito sa probinsiya. (OTB/CEB/PIA Batanes)

Mga sakristan sa Cathedral of the Immaculate Concepcion sumali din sa street dance na ginanap kasama ng prusisyon.

About the Author

Christine Barbosa

Job Order

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch