No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DA-2 nagbabakuna ng mga kalabaw, baka laban sa anthrax

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Puspusan ang isinasagawang pagbabakuna ng Department of Agriculture (DA) region 2 sa mga kalabaw at baka laban sa anthrax sa lalawigan ng Cagayan. 

Pinangunahan ng DA 2 - Animal Health and Welfare Unit Regulatory Division, kasama ang lokal na pamahalaan, ang malawakang pagbabakuna sa mga alagang kalabaw at baka ng mga magsasaka sa Brgy. Callasitan, Sto. Niño, Cagayan.

Ayon sa mga opisyal ng DA, kailangang mabakunahan ang mga alagang kalabaw at baka ng mga magsasaka upang pigilan ang pagkalat ng naturang sakit at upang hindi na ito maihawa sa mga tao.

Nagsasagawa ng pagbabakuna laban sa anthrax ang Department of Agriculture sa ilang bayan sa Cagayan na may naitalang kaso ng sakit na anthrax. (DA-2)

Nagsagawa rin ng pagbabakuna sa bayan ng Solana kung saan umabot sa isang daan at dalawampu't walo ang kabuuang naserbisyuhan.

Hinikayat ni Regional Executive Director Narciso Edillo ang mga magsasaka na ipabakuna ang kanilang mga alagang kalabaw at baka upang mapigilan ang pagdami ng mga maapektuhan ng nasabing sakit. 

Ipagpapatuloy din ang pagbabakuna sa iba pang mga bayan na una nang nagkaroon ng kaso ng anthrax. 

Ang pagbabakuna ay solusyon laban sa pagkalat ng bacteria na sanhi ng Anthrax. (OTB/PIA Region 2 with reports from Jonalyn Juan/Ferdinand Cortez-DA) 

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch