DAET, Camarines Norte, Enero 26 (PIA) – Boluntaryong sumuko ang isang rebelde na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Camarines Norte sa kapulisan ng Jose Panganiban MPS noong Enero 24 ngayong taon.
Ang CTG member ay nakilalang si “Ka Roy”, 63 taong gulang, may asawa at dating kasapi ng L1 KP1 Armando Katapia Command. Isinuko rin nito ang isang kalibre 38 rebolber na baril na kargado ng limang bala.
Nagpasya ito na boluntaryong isuko ang kanyang sarili dahil sa programa ng pamahalaan na National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Layunin ng programang ito na tulungan ang mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan.
Sa pamamagitan nito, sila ay mabibigyan ng mga iba’t-ibang tulong, kaalaman at kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay.
Nagpaalala rin si CNPPO Provincial Director PCol. Antonio C. Bilon Jr. sa mga nais magbalik loob sa pamahalaan na huwag mag-alinlangan na sumuko, sapagkat buong puso silang tatanggapin at handang tulungan ng pamahalaan.
Aniya, hindi lamang sila ang ma be-benipisyuhan kundi pati na rin ang kanilang pamilya. Ito at upang tuluyan na silang makapagbagong buhay at makamit ang ganap na kapayapaan sa ating bansa.
Ang pagsuko ay pinagsamang pagsisikap ng kapulisan ng Jose Panganiban MPS (lead unit) kasama ang mga tauhan ng Regional Intelligence Unit (RIU), Camarines Norte Police Provincial Office Provincial Intelligence Unit (CNPPO PIU), Armed Forces of the Philippines (AFP), 1st at 2nd Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (CNPMFC) at Provincial Tracker Team. (PIA5/Camarines Norte/ ulat mula sa tanggapan ng CNPPO)