No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Magsasaka sa Vigan City ibinida ang mga produkto sa Longganisa Festival Agri Float Parade

LUNGSOD NG VIGAN, Ilocos Sur (PIA) — Ibinida ng mga magsasaka sa lungsod ng Vigan ang kanilang mga produkto sa ginanap na 2023 Longganisa Festival Agriculture Float Parade.


Tampok sa kaniya-kaniyang kuliglig ng 24 na grupo ng magsasaka at isang grupo ng mga mangingisda ang mais, pakwan, iba’t ibang gulay, at tilapia.

Ibinahagi ni Amador Ruyzan, magsasaka mula sa Barangay Camangaan, ang ginawa nilang disenyo sa kanilang kuliglig.


“No didiay sango a design-na kasla traktor, mostly karton ti inbanatmi ken diay supot ti arena (Ang disenyo sa harap parang tractor, karamihan karton at supot ng harina ang ginamit namin),” aniya.


Paliwanag pa niya, “Tapos nangpanunotkami dagiti produktomi a maikabil dita a kas ti mushroom culture, high-value crops, dagitoy mais ken pagay. Inkabilmi pay ti source iti padanum isu diay solar pump (Nag-isip kami ng mga produkto na ilalagay namin gaya ng mushroom culture, high-value crops, itong mais at palay. Inilagay din namin ang pinagkukunan namin ng patubig, iyong solar pump).”

Tampok sa mga disenyo ng kuliglig float sa Agriculture Float Parade ng 2023 Longganisa Festival ng Vigan City ang iba't ibang produkto ng mga magsasaka. PIA/ATV
Kuliglig na ginawang traktor ang disenyo ng float ng Barangay Camangaan, Vigan City para sa Longganisa Festival Agri Float Parade. PIA/ATV

Ani Ruyzan ay masaya silang mabigyan ng pagkakataon para ipagmalaki ang kanilang mga produkto sa Longganisa Festival.


Aniya ay pagkakataon na rin ito ng mga magsasaka upang makapagliwaliw at maibsan ang pagod sa pagsasaka.


Nanalo ng unang gantimpala ang Barangay Cabalangegan, pumangalawa ang Barangay Raois, pangatlo ang Barangay Beddeng Laud, pang-apat ang grupo ng Federated Fishermen, at panglima naman ang Barangay Beddeng Daya.


Nag-uwi ng papremyong P8,000 ang kampeon at lahat ng sumali ay nabigyan ng P2,500 bilang consolation prize.


Samantala, nasaksihan ng mga residente ang mga kakaibang disenyo ng kuliglig float sa pag-ikot ng mga magsasaka sa kabisera ng syudad.


Ipinaabot naman ni Lito Forneas, city agriculturist ng lungsod, ang kaniyang pasasalamat sa mga nakilahok sa aktibidad.

Makikita sa kuliglig float ng mga mangingisda ang mga tilapia na nahuli sa lambat. PIA/ATV
Ilan sa mga kuliglig float na ibinida ng mga magsasaka at mangingisda sa 2023 Longganisa Festival ng Vigan City. PIA/ATV

Aniya, “Sa sektor ng agrikultura, nagparada ang mga rehistradong magsasaka, mga mangingisda at mga miyembro 4H Youth Club.”


Ipangasmi daytoy gapu ta talaga a dagiti mannalon ket nagbannogda tapno makipinnalaing kadagiti padada a mannalon tapno mapapintas ken maparungbo daytoy fiesta ti Vigan (Ipinagmamayabang namin ito dahil talagang pinaghirapan ng mga magsasaka na ipakita ang kanilang husay para mapaganda at mapasaya pa lalo ang selebrasyon ng pista ng Vigan,)” dagdag ni Forneas. 


Maliban sa float parade ay nagpaligsahan din ng pabilisan ang mga kuliglig at kariton sa parehong araw.(JCR/AMB/ATV, PIA Ilocos Sur)

About the Author

Aila Villanueva

Writer

Region 1

Aila T. Villanueva is an Information Officer I of the Philippine Information Agency Ilocos Sur Information Center based in the Heritage City of Vigan.

Feedback / Comment

Get in touch