MAHATAO, Batanes (PIA) - - Ibinahagi ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Batanes ang 'housing assistance' mula sa National Housing Authority (NHA) sa mga mamamayang may totally at partially damaged houses noong Bagyong Kiko sa bayan ng Mahatao.
Inihayag ni Provincial Information Officer Justinne Socito na ang pondo na ginamit sa programa ay nakuha ng lokal na pamahalaan ng probinsiya sa pamumuno ni Batanes Governor Marilou H. Cayco sa NHA na ngayon lang naibaba.
Sa P10,950,000 na ibinigay na pondo ng NHA ay makakatanggap ng P30,000 ang bawat isang may 'totally damaged' na bahay at P10,000 naman ang matatanggap para sa "partially damaged".
Samantala, sinabi ng lokal na pamahalaan na nauna ng nakatanggap ang bayan ng Basco ng housing assistance noong 2021 kung kaya’t ang kasalukuyang ibinabahaging ayuda ay para lang sa mga bayan ng Mahatao, Ivana, Uyugan, Sabtang at Itbayat. (OTB/CEB/PIA Batanes/Photos from PGB)
