No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Brigada Eskwela tututok sa Brigada Pagbasa

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - Bagamat napagtagumpayan ng Department of Education (DepEd) Region 2 ang hamon ng pandemya ay isa nanamang malaking hamon ang kinakaharap nito matapos makitaan ng mababang reading skills ang mga bata mula Kinder hanggang Grade 3.

Ito ay matapos ang mahigit dalawang taong walang face to face classes ayon kay DepEd Regional Director Benjamin Paragas.

Nabigyan na ito ng aksiyon ng DepEd kung saan pagtutuunan ng Brigada Eskuwela ang Brigada Pagbasa upang matulungan ang mga batang hirap magbasa.

Hindi lang karagdagang dunong ang hatid ng tropa ng Charlie "Wildcats" Company ng 17th Infantry Battalion sa isinagawang Brigada sa Pagbasa sa Lasam, Cagayan kamakailan kundi isang paraan ito para mas maipadama na ang kasundaluhan ay kasama ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa kanilang pangarap.

May mga guro na rin na isinailalim sa masinsinang training dahil hindi umano lahat ng guro ay eksperto pagdating sa pagtuturo sa pagbabasa.

Pinasalamatan din ni Director Paragas ang mga ambag ng mga organisasyon kasama ang Philippine National Police (PNP), Philippine Army, Philippine Marines, mga Sangguniang Kabataan at maging mga pribadong ahensiya na tumutulong sa Brigada Pagbasa.

Ayon pa kay Paragas, kanya kanyang  stratehiya at inobasyon ang mga paaralan at mga guro upang maakit ang mga bata na magbasa.

Ipinasigurado naman ni RD Benjamin Paragas na agarang tutugunan ng DepEd ang mababang reading skills ng mga bata at umaasa itong mapapabilis dahil back to face to face classes na ang mga bata.

"Pagandahan ang mga paaralan ng mga reading centers o reading hub at kanya-kanayang disenyo at gimik upang maengganyo ang mga batang magbasa," dagdag ng direktor.

Para naman kay Nanay Lina, inaamin  niyang para sa kanya na hindi nakatuntong sa high school ay hirap siyang turuan ang kanyang anak na Grade 1 lalo na't mahirap turuan ang isang bata. (OTB/GVB/PIA-Cagayan)

Maging ang kapulisan ay kabahagi rin ng DepEd sa pagtugon sa problema sa mababang reading skills ng mga bata.

About the Author

Gene Baquiran

Writer

Region 2

I am simply amazing.

Feedback / Comment

Get in touch