No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

USAID team, bumili ng 100 kilos na kamatis sa NV

Bumili ng 100 kilos na Kamatis ang mga miyembro ng USAID sa pagbisita nila sa Bambang, Nueva Vizcaya upang makatulong sa mga magsasaka. Larawan mula sa DTI NV FB Page

BAMBANG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Bumili ng 100 kilos na kamatis ang pangkat ng United States Agency for International Development (USAID) sa bayang ito bilang tulong sa mga magsasaka.

Ayon kay Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT) General Manager Gilbert Cumila, bumisita kamakailan ang USAID team na pinamumunuan ni Chief of Party Vicente Catudio para sa isang Exploratory Visit upang personal na makita ang operasyon ng NVAT at mga taniman ng mga magsasakang supplier nito.

“Nakita ng USAID team ang dami ng ating mga produktong kamatis kaya’t minabuti nilang bumili bilang tulong sa ating mga magsasaka,” pahayag ni Cumila.

Ayon sa kanya, bahagi ng USAID visit na madinig sa mga magsasaka ang mga hinaharap nilang problema at hamon hinggil sa kanilang pagtatanim at pagtinda ng kanilang mga produkto.

Ayon pa kay Cumila, ang USAID Team ay sinamahan ng mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) kung saan nakita din nila ang mga taniman ng mga citrus variety at mga gulay.

Dagdag ni Cumila na ang pagbisita ng USAID Team sa lalawigan ay paunang hakbang para sa isasagawang  Strengthening Private Enterprise for the Digital Economy (SPEED) Program sa NVAT.

Ang SPEED Program ay isa sa mga inisyatibong inilatag ng DTI matapos ang isinagawang Regional Consultation nito sa NVAT noong nakaraang taon upang tulungan itong mapaganda ang trading system nito at makaakit pa ng mga karagdagang mamimili ng mga produkto ng mga magsasaka sa lalawigan.(OTB/BME/PIA NVizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch