No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

20 % discount sa mga estudyante, senior citizen at PWDs, mahigpit na ipatutupad ng LGU Sorsogon City

LUNGSOD NG SORSOGON, Sorsogon (PIA)--Mahigpit nang ipatutupad ang 20 % discount sa mga commuters na estudyante, senior citizen at PWDs sa Sorsogon City.

Binigyang-diin ng pamunuan ng Seguridad Kaayusan Katranquilohan at Kauswagan (SK3) na sa ipinalabas na bagong provisional fare matrix, dapat na bigyan ng 20% fare discount ang nasabing mga commuters.

Sa R.A 9994 at R.A 11314, obligado ang pagbibigay ng 20% discount na pamasahe sa mga estudyante, senior citizen at PWD. Kinakailangan lamang magpakita ng ID na magpapatunay na bahagi sila ng nasabing pangkat.

Sa provisional matrix para sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod ng Sorsogon, walang pagbabago sa minimum fare at mananatili ito sa P12, tanging ang mahigpit na pagpapatupad sa 20% discount ang binibigyang-diin.

Nagpaalala din ang SK3 s mga tricycle driver na dapat ay laging naka display ang updated fare matrix at Motorized Tricycle Operator's Permit (MTOP) sa loob ng kanilang tricycle.

Paalala pa ng SK3 na kinakailangang sundin ang taripang nakalaan. Huwag maningil ng sobra sa mga pasahero (overcharging). Iwasan ring tumangging isakay ang mga pasahero o refusal to convey passenger at dapat ay may ilaw sa loob ng sidecar kung nagpapasada sa gabi.

Mahigpit din ang paalala ng SK3 sa mga tricycle driver na sundin ang mga ipinatutupad na batas upang maiwasan ang anumang penalidad.(MBA/PIASorsogon)

About the Author

Marivic Aringo

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch