No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bayombong-Solano Bypass Road, bukas na sa mga commuter

Binuksan na ng DPWH ang P478 million na Bayombong-Solano Bypass Road Project sa Nueva Vizcaya. Inaasahan itong makakatulong upang maibsan ang matinding trapiko sa dalawang bayan. Larawan mula sa PIA

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - -  Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Bayombong-Solano Bypass Road Project upang tuluyan nang magamit at maibsan ang matinding trapiko sa dalawang bayan.

Ayon kay Engineer Elmer Escobar, project engineer ng nasabing proyekto, ang Bayombong-Solano Bypass Road ay binuksan matapos itong sumailalim sa ocular inspection ng DPWH regional officials.

Ayon pa kay Escobar, naunang hiniling ng mga mambabatas ng bayan at lalawigan  ang pagbubukas ng nasabing daan upang maibsan ang matinding trapiko sa national highway at loob ng Bayombong at Solano.

“Wala na pong solar drying sa Bayombong-Solano. Abiso lang po sa mga commuter na mag-ingat at huwag masyadong mabilis ang ating pagpapatakbo upang maiwasan po ang aksidente,” pahayag ni Escobar.

Dagdag niya na ang P478 million na Bayombong-Solano Bypass Road Project ay may 6.2 kilometro ng haba at mahigit 20 metro ang luwang na inumpisahan noong 2018 at natapos noong December 2022.

Ayon pa kay Escobar, pinagana na rin ang traffic lights sa diversion road ng Bayombong upang maging gabay ng mga commuter.

“May mga nakatalaga rin po ditong mga traffic enforcers ng local government unit ng Bayombong upang tumulong sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng trapiko,” pahayag pa ni Escobar.(MDCT/BME/PIA Nueva Vizcaya)

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch