No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Industriya ng Agri-fishery, sentro ng ZamPen Dev Plan 2023-2028

PAGADIAN CITY, Feb 10 (PIA) -- Tutuon ang Regional Development Plan (RDP) ng Zamboanga Peninsula mula 2023-2028 sa pagkamit ng pananaw ng rehiyon bilang sentro ng sustainable agri-fishery industry ng Pilipinas.

Ang RDP ay bubuo sa mga comparative advantage at resources ng rehiyon at patuloy na gagana sa lakas ng rehiyon na sagana sa likas na yaman. Ang isang halimbawa nito ay ang malawak na baybayin na nagbibigay ng malaking mapagkukunan ng kita.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA)-IX Assistant Regional Director Maria Felicidad R. Guerrero: “Zamboanga Peninsula is surrounded by five of the Philippines’ richest fishing grounds and it is the 2nd fish producing region in the country. Within the agri-fishery industry, other economic activities are also supporting this one.

("Napapaligiran ang Zamboanga Peninsula ng lima sa pinakamayamang fishing grounds sa PIlipinas at ito din ang 2nd fish producing region sa buong bansa. Sa loob ng industriya ng agri-fishery ay ang iba pang aktibidad sa ekonomiya.”)

Sa ngayon, ang ZamPen ay may mga aktibidad sa pagpoproseso, industriya ng sardinas, industriya ng canning, at logistik upang magdala ng iba't ibang produkto ng pangisdaan at agrikultura tulad ng seaweeds, goma, mangga, palay, at saging sa ibang mga rehiyon.

We have a number of industries that we can be proud of, and be sent to other areas that could provide incomes to our people,” Guerrero added.

(Mayroon tayong ilang mga industriya na maaari nating ipagmalaki, at ipadala sa iba pang mga lugar na maaaring magbigay ng kita sa ating mga tao.)

Upang makamit ito, susundin ng ZamPen ang whole of the nation at whole of society approach. Binuo ang Regional Development Plan ng Local Government Units (LGUs), line agencies, academe, private sectors, business sector, people’s organization, gayundin ng komunidad.

Sa pagbabalangkas ng RDP, nagsagawa ng ilang mga konsultasyon sa mga LGU upang sila ay mag-validate at magbigay ng mga input. Ito ay upang matiyak rin ang suporta at pangako ng mga LGU at iba't ibang sektor, mga ahensya at  ang kanilang kooperasyon sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa ilalim ng RDP.

Samantala, nananawagan ang NEDA-IX sa mga mamamayan ng ZamPen na suriin ang Regional Development Plan ng Zamboanga Peninsula at makibahagi sa pagsasakatuparan nito.

“Sa plano ang sentro ay tao. So I encourage everyone to give your share gaano man kaliit yan.”

Ang RDP ay naka-angkla sa Philippines’ Development Plan na may layunin tungo sa pagkamit ng long-term vision na “Ambisyon natin 2040”; nagsasaad na pagsapit ng 2040 ang Pilipinas ay magiging maunlad, mas marami ang middle income at walang mahirap, at lahat ng mga tao ay mamumuhay ng malusog, matalino at makabago sa isang high trust society.

Maaring mabasa ang karagdagang impormasyon ng Philippine Development Plan sa link na ito: https://bit.ly/40IQjtr. (NBE/CCP/PIA9)

About the Author

Clennkei Peñalosa

Information Officer

Region 9

Clennkei C. Peñalosa is a member of the Subanen Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) who earn a Bachelor’s degree in Broadcasting at the Western Mindanao State University (WMSU) and is currently pursuing her Juris Doctor degree. A content creator and writer, she writes news and feature stories in Zamboanga Peninsula and manages PIA9's social media platforms.

Feedback / Comment

Get in touch