No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga iskolar ng TESDA aktwal na nagsanay sa Cagayan Farm School

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Sumailalim sa aktwal na pagsasanay ang mga iskolar ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa 'grains' production o pagparami ng mga dekalidad na butil na pwedeng mapakinabangan ng iba pang mga magsasaka.

Isinagawa ang hands-on training sa Cagayan Farm School sa Anquiray, Amulung na pinangangasiwaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. 

Ito ay nilahukan ng mga estudyante ng TESDA Cagayan na kumukuha ng NC II certification.

Layon ng programa na bigyan ng sapat na kaalaman at turuan sa makabagong teknolohiya ng pagtatanim ng palay at iba pang produktong agrikultural ang mga kalahok upang maka-produce sila ng sarili nilang mga butil na gagamitin sa kanilang mga sakahan. 

Ituturo rin sa mga ito ang tamang proseso ng pag-aalaga sa mga tanim at pagggamit ng organic fertilizer upang makalikha ng dekalidad na mga butil. 

Aktwal na nagtatanim ang mga iskolar ng TESDA sa pagtatanim ng palay bilang bahagi ng kanilang Grains Productions training. (Photo:CPIO)

Ayon kay Perlita P. Mabasa, provincial agriculturist ng Cagayan, nasa dalawanpu't limang magsasaka mula sa mga barangay ng Manalo at Marobbob sa Amulung ang sumailalim sa pagsasanay.

Aniya labing anim na linggo ang itinakdang hands-on training sa loob ng Cagayan Farm School kung saan nagsimula na ito noong Enero 5. Magtutuluy-tuloy ito sa tuwing Huwebes, kada linggo hanggang sa makumpleto ang itinakdang araw ng pagsasanay. (MDCT/OTB/PIA Region 2/Mae Ann S. Taloza)

About the Author

Oliver Baccay

Information Officer IV

Region 2

  • Assistant Regional Director, Philippine Information Agency Region 2
  • Graduate of Bachelor of Arts in Mass Communication 
  • Graduate of Master of Arts in Education, major in English
  • Graduate of Doctor in Public Administration

Feedback / Comment

Get in touch