No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bambang elderlies tumanggap ng ayuda mula DSWD

Patuloy ang pagbibigay ng tulong-pinansiyal ang DSWD at LGU Bambang, Nueva Vizcaya sa 7,000 na elderlies ng bayan. Hango ito mula sa Assistance to Infividuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD. Photo from Mayor BCIII FB Page

BAMBANG, Nueva Vizcaya (PIA) - -  Tumanggap ng tulong-pinansiyal ang mga senior citizen sa bayang ito mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2.

Ayon kay Mayor Benjamin ‘Jamie’ Cuaresma III, P1,000 ang halaga ng natanggap na tulong ng mga elderlies ng bayan mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Ayon pa kay Cuaresma, tuloy-tuloy ang pagbibigay ng medical financial assistance ng  DSWD at LGU para sa 7,000 na senior citizens ng bayan.

“Halos natapos na ang pagbibigay natin ng tulong para sa mga elderlies ng 25 na barangay ng ating bayan. Kami po ay nagpapasalamat sa ating DSWD,” pahayag ni Cuaresma.

Ang P7 million na halaga ng DSWD assistance para sa mga elderlies ng bayan ay hiningi ni Representative Luisa Cuaresma sa ahensiya upang mabigyan ng ayuda ang mga senior citizens ng bayan. (OTB/BME/PIA NVizcaya)  

About the Author

Benjamin Moses Ebreo

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch