No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

500 pares, sabay-sabay ikinasal sa Gapan

LUNGSOD NG GAPAN (PIA) -- Libreng kasalan ang inihandog ng pamahalaang lungsod ng Gapan sa 500 magkasintahan. 
 
Ayon kay Mayor Emary Joy Pascual, lahat ng kailangan sa kasal ay libreng ipinagkaloob ng pamahalaang lokal tulad ang singsing, wedding gown, barong at pantalon gayundin ang reception pagkatapos ng seremonya. 
 
Idinaos ang Kasalang Bayan sa compound ng Gapan City Hall sa mismong araw ng mga puso, Pebrero 14. 
 
Sa pamamagitan ng programa ay hangad ng pamahalaang lokal na maiparamdam ang suporta at serbisyo sa mga nangangailangang mamamayan partikular sa mga matagal nang nagsasama na nais magpakasal. 
 
Nagbigay payo din si Nueva Ecija 4th District Representative Emerson Pascual sa lahat ng mga bagong kasal na gawing sentro ng pagsasama ang Diyos na pinakamahalagang bahagi ng buhay may asawa. 
 
Dumalo din sa naturang okasyon si Vice Governor Emmanuel Antonio Umali na nagpaalalang panatilihin ang pagmamahalan at piliing ayusin ang suliraning maaaring maranasan sa pagsasama. 
 
Ang mga bagong kasal ay nakatanggap din ng limang libong piso bilang regalo mula pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija. (CLJD/CCN-PIA 3)

Pinangunahan mismo ni Gapan City Mayor Emary Joy Pascual ang libreng kasalan para sa 500 magkasintahan sa siyudad na idinaos nitong araw ng mga puso, Pebrero 14 sa punong tanggapan ng pamahalaang lokal. (Gapan LGU)

About the Author

Camille Nagaño

Writer

Region 3

Feedback / Comment

Get in touch