No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Heart-shaped twin strawberry cake, bibida sa Strawberry Festival ng La Trinidad

LA TRINIDAD, Benguet (PIA) -- Isa sa mga inaabangan tuwing Strawberry Festival ay ang pagtatampok sa large strawberry cake.
 
Ngayong taon, inaasahang bibida ang twin strawberry cake sa Marso 18.

Mayor Romeo Salda showing a snow white strawberry during the Kapihan sa Benguet on February 14, 2023. (PIA-CAR)

Inihayag ni Mayor Romeo Salda sa ginanap na Kapihan sa Benguet nitong Martes (Feb. 14) na gagawa sila ng heart-shaped twin cake kung saan, ang gagamitin dito ay snow white strawberries at red strawberries.
 
Ang ihuhulnong cake ay may taas na pitong talampakan, may haba na 14 talampakan, at diametro na limang talampakan. Aabot sa 275 kilos na strawberries ang kakailanganin para sa pag-bake ng naturang twin strawberry cake.
 
"The amount that was proposed by the bakers in La Trinidad is P1,180,000. It will contain 16,000 slices," ani Salda.
 
Mula sa 16,000 slices, 1,000 ang ipamimigay ng libre habang ang ibang slices ay ibebenta sa halagang P30-P35 per slice.

Matatandaang nasungkit ng bayan ang Guinness Book of World Record para sa largest strawberry shortcake noong 2004.
 
Tiniyak naman ni Nida Organo ng Municipal Agriculture Office na sapat ang suplay ng strawberry para sa gagawing cake.
 
Ang snow white ay bagong variety ng strawberry na itinatanim sa La Trinidad. Ito ay dinala sa bayan mula sa bansang China bago pa nagpandemya.
 
"Since kasangsangpet na dayta before pandemic, it was under a trial so, impadas ti farmers ket naka-produce da met iti runners, isu ti inwaras da iti kakadwa da nga farmers. So, we can say, adda ti bassit a volume nga rumuar," si Organo.
 
Ang bawat kilo nito ay nagkakahalaga ng P1,000. (DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch