No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

HIV 101 at HIV Testing isinagawa sa PSU-EL Nido

HIV 101 at HIV Testing isinagawa sa PSU-EL Nido

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagsagawa ng HIV 101 at HIV Testing ang Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan katuwang ang Department of Health-Center for Health Development-(DOH-CHD)-MIMAROPA, Palawan State University (PSU) at El Nido Municipal Health Office.

Ginanap ito sa Palawan State University-El Nido Campus nitong Pebrero 15, 2023.

Layon ng naturang aktibidad na makapagbigay ng sapat na kaalaman patungkol sa sakit na HIV at AIDS gayundin ang mga dapat gawin at dapat iwasan upang hindi magkaroon nito.

Tinalakay din ang kasalukuyang estado ng Palawan at bayan ng El Nido patungkol sa sakit na ito.

Base sa datos ng PHO noong Disyembre 2022, nakapagtala sa lalawigan ng Palawan ng 250 cases ng HIV kung saan ang 26 dito ay nagmula sa bayan ng El Nido.

Pagkatapos ng orientation and awareness ay isinagawa rin ang libreng HIV test sa mga nais na malaman ang kanilang estadong pangkalusugan partikular na sa human immunodeficiency virus o HIV.

Matatandaan na nitong Pebrero 14 ay opisyal nang nai-turn over ang Mobile Health and Wellness Services (MHWS) CaraVan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan mula sa programang Philippines Response in Optimizing Testing, Empowered Communities, Treatment and Sustainability (PROTECTS) bilang karagdagang suporta sa lalawigan ng Palawan sa pagpapaabot ng dekalidad na serbisyong medikal sa mga mamamayan.

Isinasagawa rin ang kahalintulad na aktibidad ngayong Pebrero 16 sa Barotuan National High School, El Nido, Palawan. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)


Larawan sa itaas mula sa PIO-Palawan

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch