Mahigit 2,600 na mamamayan sa Nueva Vizcaya ang nabigyan ng libreng medical, surgical, optical at dental services mula sa grupo ng U.S-based doctors at nurses na bumisita kamakailan sa lalawigan. Photo from PLGU NV FB Page
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (PIA) - - Mahigit 2,700 na mahihirap na mamamayan sa mga liblib na komunidad sa tatlong bayan sa Nueva Vizcaya ang tumanggap ng libreng health services kamakailan .
Ang libreng health services na medical, surgical, dental at optical ay pinangunahan at handog ng United States–based doctors at nurses ng grupong Chicago Nightingale Association (CAN) at Northwest Mission of Hope (NMH) sa mga mamamayan ng bayan ng Kasibu, Dupax del Sur at Diadi.
Ayon kay Governor Carlos Padilla, lubos ang pasasalamat ng lalawigan sa mga serbisyong ipinagkaloob ng CNA at NMH sa mga mahihirap na Novo Vizcayanos.
Dagdag ni Padilla na ang CNA ay 20 years nang nagbibigay ng taunang libreng health services sa mga Novo Vizcayanos at sinalihan na rin ng NMH kayat mas marami pang Novo Vizcayanos ang nabigyan ng libreng health services.
Ang medical mission na pinangunahan ng CAN at NMH at sinuportahan ng provincial government, Region 2 Trauma and Medical Center, Provincial Integrated Health Office, PLGU-operated hospitals, Municipal Health Office of Kasibu, Dupax del Sur and Diadi, Philippine Dental Association - NV Chapter, Philippine Medical Association - NV Chapter, Nueva Vizcaya Medical Society, Alpha Sigma Fraternity, Department of Health at mga doctors at nurses mula sa private sector at iba pa. (OTB/BME/PIA NVizcaya)