No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

4 na grupo ng magsasaka sa CamNorte, benepisyaryo ng motorized hauler at bangka sa DAR

DAET, Camarines Norte, Pebrero 23 (PIA) – Apat na grupo ng magsasaka mula Agrarian Reform Beneficiaries Organization (ARBO) sa Camarines Norte ang tatanggap ng motorized hauler at de motor na bangka sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Ang tatlong motorized haulers ay ibibigay sa ARBO ng San Pascual, Basud; Maisog, San Lorenzo Ruiz at San Jose, Panganiban. Inaasahan na magagamit nila ito sa paghahatid ng mga produktong agrikultura.

Ang motorized bangka naman ay ibibigay sa ARBO ng Dahican, Jose Panganiban para sa pagdadala ng mga produktong isda at kopra sa pamilihan. 

Ayon kay Erleen Alvarez, public information officer ng DAR, ang naturang mga units na ipapamahagi ay naglalayon na mapabilis ang paghahatid ng mga produkto mula sa kanilang mga taniman at pangisdaan.

Aniya, ito ay isang paraan ng pagtulong ng DAR upang mapalago ang mga existing enterprise ng mga ARBO sa pamamagitan ng maayos na transportasyon para sa kanilang mga produkto.

Ang mga support facilities na ito ay nakapaloob sa Sustainable Livelihood Support (SLS) for Disaster Affected Areas at Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) na programa ng DAR.

Ang pamamahagi ay dumaan sa balidasyon bago ibigay sa mga benepisyaryo kung saan bawat taon ay mayroong ibinibigay na ganitong proyekyo ang naturang tanggapan base sa pangangailangan ng organisasyon.

Ang Camarines Norte ay mayroong 65 na ARBOs sa ibat-ibang barangay ng bawat bayan na mayroon ng mga makinang pangsakahan na kanilang nagagamit sa mga produktong agrikultura. (PIA5/Camarines Norte/ ulat mula sa tanggapan ng DAR)

About the Author

Reyjun Villamonte

Job Order

Region 5

Feedback / Comment

Get in touch