No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOST- 1, nag lunsad ng programang CEST sa Pangasinan

DAGUPAN CITY, Feb 26 (PIA) - Inilunsad ng Department of Science and Technology Regional Office 1 (DOST-1) sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Office (PSTO Pangasinan) ang programang Community Empowerment through Science and Technology (CEST) sa mga lokal na pamahalaan ng Bolinao at Dagupan City.


Ang CEST Program ay nagbibigay ng mga interbensyon sa S&T kasama ang limang entry point ng CEST, katulad ng: Economic Enterprise Development, Human Resource Development, Health & Nutrition, Environmental Protection & Conservation, at Disaster Risk Reduction & Climate Change Mitigation.


Layunin nito na mabigyan ng kapangyarihan ang mga kapus-palad at marginalized sektor habang itinataguyod din ang pagpapa-unlad sa iba't ibang komunidad sa buong bansa.


Isa sa mga prayoridad na sektor ng CEST Program ngayong taon ay ang mga mangingisda sa mga baybayin o coastal areas.


Ang DOST 1 ay patuloy na magbibigay ng mga interbensyon ng S&T sa mas maraming disadvantaged at marginalized na sektor upang bumuo ng progresibo at mas nakahandang mga komunidad sa rehiyon.


Ang DOST 1 CEST Program Team sa pamumuno ni project leader Decth Libunao, kasama si Engr. Arnold Santos, provincial S&T director ng PSTO-Pangasinan, at mga katuwang sa DOST ay malugod na tinanggap ng mga alkalde ng LGU Bolinao at Dagupan City na sina Mayor Alfonso Celeste at Mayor Belen Fernandez, kasama ang kanilang mga miyembro ng sangguniang bayan.


Ang mga nasabing LGU ay nagpasya na subukan ang mga potensyal na benepisyo ng programa sa lokal na populasyon. Isang Community Needs Assessment naman ang itatakda pagkatapos ianunsyo ng LGU ang pagpili sa tatlong potensyal na benepisyaryo na barangay. (JCR/MJTAB/RPM, PIA Pangasinan)

About the Author

Odie Mamaril III

Writer

Region 1

Feedback / Comment

Get in touch