No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Birthday Cash Gift para sa mga Senior at PWD, pinamahagi ng Cajidiocan LGU

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Aabot sa 399 na Senior Citizens (SC) at 88 Persons with Disability (PWD) sa bayan ng Cajidiocan, Romblon ang nakatanggap ng Birthday Cash Assistance mula sa Lokal na Pamahalaan.

Ito ay mga para sa mga SC at PWD na nagdiriwang ng kanilang kaarawan para sa buwan ng Enero at Pebrero.

Ayon sa Cajidiocan Municipal Public Information Office, ang programa ay kasama sa mga prayoridad ni Mayor Marvin Ramos kung saan nais niya umanong ipadama sa mga ito na prayoridad sila ng Gobyerno ng Cajidiocan.

Malugod naman itong tinanggap ng mga benepisyaryo na ayon sa kanila sa pagkatagal-tagal ay ngayon lang sila naka nakatatanggap ng regalo sa kanilang kaarawan mula sa LGU Cajidiocan.

Ang programa ay naisakatuparan sa bisa ng isang ordinansa na ipina

sa ng konseho ng Cajidiocan na magbibigay ng cash gift sa mga nagdiriwang ng kaawarang mga PWD at Senior Citizen sa bayan. (PJF/PIA MIMAROPA)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch