TUGUEGARAO CITY, Cagayan (PIA) - - Nagsagawa ng destruction at disposal sa mga hindi sertipikadong mga produkto ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 bilang parte ng pagobserba ng World Consumer Rights Day.
Ang mga nakompiskang mga produkto ay hindi sumailalim sa pagsusuri at hindi pasok sa kwalipikasyon ng Product Standards Law.
Kabilang sa mga nakompiskang produkto ay mga coffee maker, portable fan, tire interior, rice cooker, electrical tape, at lightbulb.
Samantala, patuloy pa rin na nagbabantay ang DTI para masiguro ang kalidad ng mga produkto sa merkado.
Gayunpaman, papatawan ng kaukulang parusa ang sino mang magbebenta ng hindi mga sertipikadong produkto. (OTB/JKC/PIA-Region 2/ulat ni Ronel Butacan/litrato ng DTI-2)
