No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DAR, nagbigay ng makinang pang-ani ng palay sa 2 grupo ng magsasaka

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Hindi na mahihirapang maghanap ng taga-ani ang dalawang Agrarian Reform Beneficiary (ARB) Organizations sa Odiongan at Santa Fe matapos silang makatanggap ng makinang magagamit nila sa pag-ani ng palay nitong Marso 20.

Ang Tulay ARB Farmers Association at Pandan ATI Farmers and Fisherfolks Association ay nakatanggap ng Rice Reaper Machine mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) - Romblon sa pamamagitan ng Agrarian Reform Fund.

Ayon sa DAR Romblon, ang mga opisyal at miyembro ng dalawang organisasyon ang personal na tumanggap ng mga Rice Reaper Machines na ito.

Ayon sa DAR Romblon, ang mga opisyal at miyembro ng dalawang organisasyon ang personal na tumanggap ng mga Rice Reaper Machine na ito. (Larawan mula sa DARPO Romblon)

Nagsagawa rin ng actual demonstration ang GRJC Agri-Industrial Inc. para maituro sa mga magsasaka ang tamang paggamit sa nasabing makina. Kasabay nito ay nagsagawa rin ng policy formulation session para matulungan ang mga benepisyaryo na makagawa ng patakaran sa kung paano ipapagamit sa mga miyembro ang natanggap na kagamitan. (PJF/PIA MIMAROPA)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch