No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pakikinig sa mga nakararanas ng mental issue, binigyang-diin ng mga eksperto

BAGUIO CITY (PIA) -- Umapela ang mga kinauukulan ng pagtutulungan ng bawat isa upang malabanan ang suicide na ayon sa World Health Organization ay pang-apat na pangunahing dahilan ng pagkamatay sa mga edad 15-29.
 
Ayon kay Saint Louis University Nursing Department Head Rufina Calub-abul  sa ginanap na Ugnayang Panlungsod kamakailan, kailangang pagtuunan ng pansin ang mga 'red flags' sa suicide.
 
"About 75-80% of people who would like to commit suicide actually communicate the act. Ang importante dito, we lend an ear ... Sa mga parents po natin, do not miss the signs, listen po to your kids now before they would succumb po to suicide," ani Calub-abul.
 
Paalala naman nito sa mga kabataan, "You are important as your life. Your life is precious, value it and when things gets tough and challenging, there is hope and there is help. Be brave and never quit."

Ayon naman kay Dr. Mary Libeney Sito ng Department of Education-Baguio, may cognitive, emotional, physical, at behavioral symptoms ang mga nakararanas ng mental issue. Aniya, kapag napansin ang mga palantandaang ito ay mainam na makinig.
 
"Kapag may problema o may taong pumunta sa'yo at sinabi niyang may problema siya, ibigay mo lang po 'yung listening ear mo. Actually, all they need is someone they trust who will listen kasi po, call for help na 'yun," ani Sito.
 
Siniguro naman ng Mental Health Unit at ng Philippine Guidance and Counseling Association, Inc. ang kanilang kahandaang tumulong sa mga may mental illness o mental issue.
 
'Be a blessing to other people. We go back to our sense of being and that is finding meaning to one self and finding meaning to other people's lives', ani PGCA Interim President Reynalyn Padsoyan.

Ayon kay Mental Health Program Manager Ricky Ducas, Jr., bukas din ang kanilang tanggapan na magbigay ng libreng serbisyo at libreng medikasyon sa mga nangangailangan.
 
Batay sa rekord ng Mental Health Unit noong 2022, 28 ang naitala na kaso ng suicide sa Baguio City kung saan, anim ang hindi residente ng lungsod habang 31 naman ang naitalang kaso sa lalawigan ng Benguet. (JDP/DEG-PIA CAR)

About the Author

Jamie Joie Malingan

Regional Editor

CAR

Feedback / Comment

Get in touch