No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LGU Alicia idineklarang drug-free workplace ng PDEA

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela (PIA) - - Idineklarang drug-free workplace ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) - Isabela ang Local Government Unit ng Alicia nitong Ika-28 ng Marso 2023.

Ang pagdeklara bilang drug-free workplace and LGU Alicia ay pinangunahan ni PDEA Isabela Provincial Director Romarico Pagulayan na ginanap sa LGU Function Hall New Municipal Building.

Kasama ni PDEA Provincial Director Pagulayan sina IPPO Police Community Affairs and Development Unit Chief Lt. Col. Michael Aydoc at Alicia Police Chief Maj. Francis at sinaksihan nina Vice Mayor Andy Bon Velasco at Municipal Administrator Jason Manuel Alejandro.

Nagpasalamat si Alicia Police Chief Maj. Francis Pattad sa mga stakeholder sa bayan upang makamit ang mithiing maging drug-free workplace ang LGU Alicia at umaasa ito na mapanatili nila ang pagiging drug-free workplace.

Aniya malaki ang kontribusyon ng LGU Alicia officials sa pamumuno ni Mayor Joel Amos Alejandro upang makamit ng LGU ang pagiging drug-free workplace nito.

Idineklara ng PDEA Isabela kasama ang pamunuan ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang LGU Alicia bilang drug-free workplace. (Larawan mula sa IPPO)

Umaasa ito na patuloy ang kanilang pagtutulungan upang mapanatiling drug-free ang LGU at wala ng maitatalang illegal drug activities sa mga susunod na mga araw, buwan at taon. (MGE / PIA Isabela)

About the Author

Merlito Edale Jr.

Writer

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch