No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

LGU ng Oriental Mindoro, kauna-unahang lalawigan na mag-iimplementa ng digital payment system

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) -- Matapos ang isinagawang pamamahagi ng 30 cavan of rice ng UBX Philippines sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro bilang tulong sa mga naapektuhan ng insidente ng oil spill kamakailan, lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Marso 28 ang dalawang panig bilang pagpapakita ng suporta ng pamahalaan na gawing digitized ang mga serbisyo at programa na ipinagkakaloob nito sa mga mamamayan.

Ang probinsya ng Oriental Mindoro ang siyang magiging kauna-unahang lalawigan sa bansa na mag i-implementa ng digital payment system upang maging daan sa tuluyang transisyon papunta sa E-governance.

Ayon kay UBX CEO John F. Januszczak, matagal na niyang nakikita ang pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan sa bansang Pilipinas na maging digitize ang mga transaksyon na inilalapat sa mga mamamayan kung kaya't labis ang kagalakan nito na ang lalawigan ng Oriental Mindoro ang siyang nanguna sa mga lalawigan na i-implementa ang ganitong sistema sa kanilang pamamahala.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Oriental Mindoro Governor Humerlito 'Bonz' Dolor sa grupo sa pagkakataon nito na ibinigay sa pamahalaan.

Aniya, malawak ang posibilidad ng maaaring paggamitan ng sistema katulad nang pagkakaloob ng ayuda sa mga apektadong mamamayan ng iba't-ibang sakuna o kaya naman ay sa pagkakaloob ng scholarship sa mga estudyanteng iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan. Ang UBX ang nangunguna sa bansa na Open Finance Platform na nagbibigay serbisyo sa iba't-ibang institusyon at mga pamahalaan. (JJGS/PIA MIMAROPA)

About the Author

Juanito Joshua Sugay

Information Officer II

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch