No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan, muling idinaraos sa Marinduque

ODIONGAN, Romblon (PIA) -- Pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kaagapay ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa Marinduque ang pagdiriwang ukol sa Buwan ng Panitikan ngayong taon na may temang "Kultura ng Pagkakaisa" at paksang "Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa pammaguitan ng Panitikan".

Nagsimula na ito noong ika-2 ng Abril sa pagpaparangal sa ika-235 na taong kapanganakan ni Francisco Balagtas.

Ang iba’t ibang SWK kasama ang Marinduque State College sa pangunguna ng direktor nitong si Dr. Ernesto Largado ay kabilang ang mga nasa paaralan at unibersidad sa Pilipinas, mga awtor, mananaliksik, at media ay nakilahok sa isinagawang serye ng lektura sa pangunguna ng KWF.

Sa ginanap na programa, inilahad ni Atty. Marites Barrios-Taran ang mga kahalagahan ng pagbabasa at maging ang epekto ng internet sa pagbaba ng bilang ng mga kabataang nagbabasa. Hinikayat rin niya ang bawat isa na gawing huwaran si Balagtas at himukin ang mga kabataan na magbasa ng iba’t ibang uri ng panitikan at mahalin ang wikang Filipino.

""Ang pagbabasa ay isang oportunidad upang matuto, maaliw, maglakbay, sumuri, at marami pang uri ng makabuluhang karanasan. Higit sa lahat, magbasa upang umun awa, upang maging bukas ang isip sa pagbabago, sa opinion at pananaw ng iba upang bigyang puwang ang pagkakaisa," ayon kay Taran.

Nagkaroon rin ng lektura sa pagbubukas ng Buwan ng Panitikan kung saan isa sa nagbahagi ay si Dr. Luis Gatmaitan, Atty. Marites Barrios-Taran at Dr. Benjamin N. Mendillo. (RN/PJF/PIA Mimaropa)

About the Author

Paul Jaysent Fos

Writer

Region 4B

Information Center Manager of Philippine Information Agency - Romblon

Feedback / Comment

Get in touch