No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga pambansang ahensiya, muling nakiisa sa programang ‘Serbisyong Tama’ ng pamahalaang lungsod

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Muling nakiisa ang mga tanggapan ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, PhilHealth, PhilSys, Department of Health (DOH) at iba pa, na ilan lamang sa mga nagkaloob ng serbisyo at sumagot sa mga katanungan ng mga Calapeño upang matugunan ang mga kailangang dokumento gayundin ang mga sangay ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa programa ng pamahalaang lungsod na ‘Serbisyong Tama.’

Isinagawa kamakailan ang nasabing aktibidad sa Bulusan Nature Park Pavilion na kung saan ang mga residente ng Barangay Bulusan at Bondoc ang naserbisyuhan ng medikal at dental, pamimigay ng gamot, konsultasyon sa mata at usaping legal, pagkuha ng City Health Card, pamamahagi ng pananim, pagkuha ng PNP at Bureau of Fire clearance, at marami pang iba.

Kabilang din ang pagbibigay impormasyon para sa mga nais maging kasapi ng Senior Citizen, Persons with Disability (PWD), Solo Parent at iba pang sektor ng lipunan na kailangan ng suporta mula sa pamahalaan.

Nakapila ang mga residente ng Brgy. Bulusan at Bondoc para sa aplikasyon ng City Health Card katuwang ang City Health and Sanitation Department upang makamit ang mga benepisyo kaagapay ang Department of Health – Mimaropa. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

Layunin ng nasabing programa ay ang mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan (lokal at nasyunal) sa taongbayan upang hindi na lumayo pa sa kanilang barangay. (DN/PIA-OrMin)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch