No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Amilyar, business tax sa Marikina, walang multa hanggang Dis. 31

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Walang ipapataw na multa o interes sa real property tax (RPT) at Business Tax sa Lungsod ng Marikina hanggang Disyembre 31, 2023.

Ito’y matapos lagdaan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang Ordinance No. 025, Series of 2023 o ang ‘Ordinance Granting Amnesty on Interests of Delinquent Real Property Tax Payers in the City of Marikina.

Gayundin, nilagdaan ni Mayor Marcy ang Ordinance No. 026, Series of 2023 o ang ‘Ordinance Granting Amnesty on Surcharges and Interests of Delinquent Business Taxpayers in the City of Marikina.’

Mga kuha mula sa Marikina PIO

Dapat sila ay bigyan ng pagkakataon na makapagbayad nang walang surcharge at interest, multa o penalty. ‘Yung principal amount na lang ang babayaran para makabawas sa bigat ng alalahanin nila, para makabangon ang lahat,” ani Mayor Marcy.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga nilagdaang ordinansa ay magbibigay pagkakataon sa mga taga lungsod na mabayaran ang kanilang kakulangan sa RPT o amilyar at maging sa mga negosyante na kakulangan sa business tax na makabayad din hanggang Disyembre 31, 2023. (Marikina City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch