No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong makinarya at teknolohiyang pansaka, ipinagkaloob sa mga magsasaka sa Laguna

SANTA CRUZ, Laguna (PIA) — Nasa 30 samahan ng mga magsasaka na kabilang sa Farmers Cooperatives and Association of Laguna, at ng mga lokal na pamahalaan ang tumanggap ng ilang modernong kagamitang pansaka mula sa pamahalaang panlalawigan ng Laguna na makatutulong upang mapaunlad ang produksiyon ng mga produktong agrikultura.

Sa ginanap na programa nitong Abril 17, tinanggap ng mga benepisyaryo ang siyam na combine harvester machinery, siyam na trailers, at siyam na open source pump mula sa Laguna Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist, at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ng Department of Agriculture.

Bahagi ang distribusyon ng mga agricultural machinery ng implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). Layon nitong mapabuti ang produksiyon ng mga produktong agrikultura at tumugon sa food security program ng pamahalaan para sa pagkakaroon ng de-kalidad, masustansya, at sapat na pagkain para sa lahat.

Ayon kay Governor Ramil Hernandez, bukod sa pagbibigay ng mga bagong kagamitan ay nakatakda ring magkakaroon ng pagsasanay ang mga magsasaka upang magkaroon sila ng dagdag-kaalaman.

“Sa ilalim ng ating mga programang pang-agrikultura, sinisigurado natin na naaabot at napapakinabangan ng mga magsasaka at lahat ng nabibilang sa sektor ng agrikultura ang mga benepisyong nararapat sa kanila, kasama na nga ang mga bagong makinarya at teknolohiya, maging ang mga pagsasanay para sa dagdag kaalaman,” pahayag ni Gov. Hernandez.

Ayon sa Laguna Provincial Information Office, umabot sa 121 units na may kabuuang halaga na P64.7 milyon ang naipamahaging kagamitan sa lalawigan. (CH/Laguna PIO)

Ayon kay Governor Ramil Hernandez, bukod sa pagbibigay ng mga bagong kagamitan ay magkakaroon din ng pagsasanay ang mga magsasaka upang magkaroon sila ng dagdag-kaalaman. (Laguna PIO)

About the Author

Christopher Hedreyda

Region 4A

Provincial Information Center Manager, PIA Laguna

Feedback / Comment

Get in touch