

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig, sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa pagdiriwang ng Solo Parent Week.
Sa talaan ng ng lgu, nasa 6,719 solo parents ang rehistrado sa lungsod na mayroong solo parent ID.
Ayon pa sa lgu, ang Taguig ang isa sa mga kauna-unahang lungsod sa NCR na nagbigay ng solo parent ID bilang isang benepisyo.
Sa pamamagitan ng pagrerehistro sa Taguig, nakatatanggap ang solo parents ng iba’t ibang serbisyo, at palagian din silang nabibigyan ng mga impormasyon ukol sa Solo Parent Welfare Act sa mga information and education campaigns.
Nakadadalo din sila sa mga seminar at training gaya ng livelihood trainings, health summits, at job fairs.
Nabibigyan din sila ng counselling services at nakakaagapay sa isa’t isa sa pamamagitan ng Solo Parent Association.
Ibinahagi ni CSWDO head Nikki Rose Operario na patuloy ang lungsod sa pag-alalay sa mga solo parent at kanilang mga anak. Dagdag pa niya, mayroong focal person sa bawat barangay upang gumabay at magbigay impormasyon tungkol sa mga karapatan ayon sa batas at benepisyong handog ng Taguig.
Balak ding palawigin ang city-wide solo parent ID registration at paigtingin pa ang serbisyo sa mga help desk sa lahat ng barangay.
Ayon sa lgu, ang kapakanan at proteksyon ng mga solo parent sa lungsod ay bahagi ng programa ni Mayor Lani Cayetano sa ilalim ng kanyang bisyon na isang Transformative, Lively at Caring City. (taguig pio/pia-ncr