No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higit 100-taon puno ng Acacia sa Pasig, nilagyan ng heritage tree marker

Ang tinaguriang Heritage Tree na matatagpuan sa loob Pasig Catholic Cemetery. (Mga kuha mula sa Pasig City)

QUEZON CITY, (PIA) --Lumagda  sa isang kasunduan ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig, Department of Natural Resources - National Capital Region (DENR-NCR), at Immaculate Conception Cathedral para sa implementasyon ng Heritage Tree Program sa lungsod.

Sa ilalim ng Heritage Tree Program, ang mga puno na matanda na, kaiba, native, o kaya endemic, na may minimum circumference na 100 centimeters at may sukat na one-half meter above ground ay maaaring maituring bilang "heritage tree" batay sa magiging nominasyon ng "host community" nito.

Sa kasunduan/programa nmakatatanggap ng proteksyon ang heritage tree mula sa foresters ng DENR-NCR para masiguro na mabubuhay nang mas matagal pa ang puno at mas mapakinabangan pa ito ng mga susunod pang henerasyon.

Tampok sa paglagda ng kasunduan ang paglalagay ng heritage tree marker sa puno ng Acacia na matatagpuan sa Pasig Catholic Cemetery.

Pinangunahan ni Pasig City Vice Mayor Dodot Jaworski ang pagpapasinaya bilang bahagi din ng ika-450 Araw ng Pasig at Month of Planet Earth/Earth Day.



Ayon sa pamahalaang lungsod, tinatayang nasa higit 100 taon na ang  pinasinayaang puno ng acacia at nagsilbing saksi sa iba't ibang pangyayari bago pa man ang ika-20 siglo, kabilang ang Spanish-American war noong 1898 kung saan ang sementeryo noon ay nagsilbing kampo ng mga sundalong Amerikano.

Ang paglagda a kasunduan at pagpapsinaya sa heritage tree ay isinagawana isa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office, DepEd-NCR, at Immaculate Conception Cathedral (ICC) Pasig City.

Dumalo din sa okasyon sina Congressman Roman Romulo, Sangguniang Panlungsod Committee on Ecology and Environmental Protection Chairperson Kiko Rustia, DENR-NCR Protected Area Management and Biodiversity Conservation Section Chief Aida Esguerra, Diocese of Pasig Chairman for Cultural Heritage Rev. Fr. Roy Rosales, at iba pang konsehal ng Sangguniang Panlungsod at miyembro ng ICC. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch