LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- May tanong ukol sa pagsasaayos ng mga pangunahing lansangan, road assistance, restriksyon sa pagbiyahe, batas trapiko, number coding scheme?
Paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumawag lamag sa MMDA Hotline 136.

Ayon sa MMDA, tuloy-tuloy ang serbisyo ng Metrobase Command Center na nagmo-monitor ng mga road activities sa mga panguhahing lansangan sa Metro Manila 24/7.
Maaari ring ma-kontak ang MMDA sa kanilang Viber number 0956-6632-221 para sa mga katanungan. (MMDA/PIA-NCR)