No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bagong Laguna Provincial Capitol Extension, pinasinayaan

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna (PIA) — Pormal nang pinasinayaan ng pamahalaang lalawigan ng Laguna ang Laguna Provincial Capitol Extension sa Lungsod ng Calamba nitong ika-20 ng Abril, Huwebes.
 
Pinangunahan nina Governor Ramil Hernandez, Senator Francis Tolentino, at Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano-Hernandez ang ribbon cutting at pagpapasinaya sa marker ng tanggapan.
 
Pinapurihan ni Sen. Tolentino ang pamunuan ng pamahalaang lalawigan para sa kanilang pagmamalasakit sa mga mamamayan ng Laguna.
 
“Ang extension po ng isang kapitolyo ay naghuhudyat at nagpapakita na ang inyong pamunuan at leadership has compassion and heart for the people...Ito pong ginagawa ni Governor Ramil ay isang pagpapakita ng tunay na serbisyo.”
 
Pinasalamatan naman ni Gov. Hernandez sina Senator Tolentino sa pagtulong upang maipaayos ang Extension Office, ang mga bumubuo sa Sangguniang Panlalawigan, at ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan na naging daan upang maisakatuparan ang proyekto.
 
Sa kanyang mensahe, binigyang halaga ng gobernador na mas mailapit pa sa maraming Lagunense ang serbisyong kaloob ng pamahalaang lalawigan.
 
“Ang pagkakaroon ng Extension Office ng Kapitolyo na mas malapit sa mga taga 1st at 2nd District ng Laguna ay isa sa mga proyektong pinangarap at isinakatuparan natin sa loob ng ating panunungkulan bilang Gobernador ng lalawigan,” ani Hernandez.
 
Dagdag ng gobernador, “Malaking bagay po ito sapagkat kasama sa layunin natin na serbisyo na mismo ng Pamahalaang Panlalawigan ang ilapit sa mga Lagunense.”
 
Sa Extension Office isasagawa ang pamamahagi ng Grants at Aids, pagsusumite at pagtanggap ng medical at burial assistance, request assistance tulad sa infrastructure, wheelchair, anti-rabies, at blood laboratory request para sa mga residente ng Una at Ikalawang Distrito ng Laguna. (CH/PIA-Laguna; may ulat mula sa Laguna PIO)

About the Author

Christopher Hedreyda

Region 4A

Provincial Information Center Manager, PIA Laguna

Feedback / Comment

Get in touch