No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Puerto Princesa south road widening project, tapos na

Puerto Princesa south road widening project, tapos na

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nakompleto na ang road widening project sa Puerto Princesa South Road, partikular sa Bgy. Sta. Lucia.

Ito ay ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) – Palawan 3rd District Engineering Office.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P14.6 milyon na may habang 369 metro ay sinimulan noong Mayo 23, 2022 at natapos nitong Pebrero 26, 2023.

Ang proyektong ito ay inaasahang makatulong upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa lugar at mapabuti ang sistema ng kalsada papasok at palabas ng lungsod.

Ayon sa DPWH-Palawan 3rd District Engineering Office, ang proyektong ito ay bahagi ng mga proyekto sa pagpapalawak ng kalsada ng pambansang pamahalaan sa buong bansa upang mapabuti ang pagkilos ng transportasyon at turismo, at isulong ang paglago ng ekonomiya sa lugar. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

Ang road widening project sa Puerto Princesa South Road, partikular sa Bgy. Sta. Lucia. (Mga larawan mula sa DPWH)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch