No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DENR-NCR lumagda ng kasunduan sa 3 NCR schools para sa implementasyon ng ENGP

LUNGOD QUEZON, (PIA) –Lumagda ng kasuduan Department of Environment & Natural Resources-NCR at Manila Central University-Caloocan, Kalawaan Elementary School-Pasig, at Dr. Sixto Antonio Elementary School-Pasig para sa Enhanced National Greening Program (ENGP) noong Miyerkules, ika-26 ng Abril 2023 sa National Ecology Center, Quezon City.

Pinangunahan ni DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan ang seremonya kasama sina Assistant Regional Director for Technical Services, Engr. Ignacio R. Almira Jr.; Conservation and Development Chief, Forester Aida E. Esguera; at Production Forest Management Section Chief, Forester Arturo G. Calderon.

Ayon sa kasunduan na nilagdaan ng Manila Central University sa pangunguna ng kanilang Vice President for Planning and External Affairs, Dr. Renato C. Tanchoco, Jr. at Vice President for Academic, Dr. Angelo C. Maduli, ang organisasyon ay magtatanim at mag-aalaga ng mga punla na ipagkakaloob ng DENR-NCR upang tamnan ang 1 ektarya na kanilang inadopt sa isang NGP site sa La Mesa Watershed Reservation sa QC.

Dagdag pa rito, ang DENR-NCR ay magbibigay ng tulong teknikal sa organisasyon kung paano mas epektibong mapangalagaan at mapanatili ang mga tinanim na punla sa nasabing lugar.

Samantala, para sa kasunduan on urban greening/gardening na nilagdaan sa pagitan ng tanggapan at ng Kalawaan Elementary School sa pangunguna ng kanilang School Principal Joel M. Armas at ng Dr. Sixto Antonio Elementary School sa pangunguna ng kanilang School Principal Maribel D. Gocalin, kasama ang mga guro at mag-aaral ng mga paaralan ay magtatanim at mag-aalaga ng iba’t ibang punla tulad ng forest trees, fruit-bearing, vegetable at ornamental plants na ipagkakaloob ng kanila.

Ang DENR-NCR ay magsasagawa rin ng mga Dalaw Turo bilang parte ng information, education, and communication campaign nito upang magturo ng maraming usapin ukol pangkapaligiran at pangkalikasan para sa mga mag-aaral ng mga nasabing paaralan.

Ang ENGP ay ipinatutupad Malaking upang mas lalong mapagtibay at mapalawak ang kaalaman ng mga taga Metro Manila, lalo na ang mga kabataan para sa mga priority programs ng DENR patungkol sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan. (denr-ncr/pia-ncr)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch