No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Chikiting Ligtas at COVID-19 second booster, back-to-back na inilunsad sa San Juan

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Magkaagapay na inilunsad ng Department of Health (DOH), United Nations Children’s Fund (UNICEF), at World Health Organization (WHO) ang “Chikiting Ligtas” Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) nitong April 27, 2023 sa FilOil EcoOil Centre sa Lungsod ng San Juan.

Nagmistulang play zone FilOil Centre kung saan higit 200 batang San Juaneño na may edad 59 buwan pababa ang nabakunahan sa aktibidad at napagkalooban ng bitamina at bags of goodies mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Juan.

Nagkaloob din si San Juan City Mayor Franci Zamora ng P3,000 ayudang pinansyal sa bawat magulang na nagpabakuna ng kanilang mga anak.

Gagawin ang Chikiting Ligtas sa iba pang parte ng Pilipinas simula May 2 hangang 31, kung saan target na mabakunahan ang 9.5 milyong bata para sa tigdas at rubella, 11.1 milyong bata para polio vaccine.

Sa NCR, target mabakunahan ang 1 milyong bata ng MR vaccine at 1.1 milyon naman para sa polio vaccine.

Nagpasalamat si Mayor Zamora sa DOH dahil napili ang San Juan upang ilunsad ang ‘Chikiting Ligtas’ Program.

“Naiintindihan ko bilang ama ang kahalagahan ng pagbabakuna sa ating mga anak kaya sa mga magulang, seryosohin natin ang pagbabakuna laban sa mga sakit na ito,” pahayag ni Zamora.

“Sa aking mga kapwa mayors, pagsumikapan nating mabakunahan ang ating mga anak laban sa mga sakit na ito. Handa po ang DOH, UNICEF, at WHO para tulungan tayo,”dagdag pa ni Zamora.

Kasabay ng paglulunsad ng ‘Chikitang Ligtas’, inilunsad din sa San Juan ang pagbabakuna ng second booster laban sa COVID-19 para sa general population edad 18 pataas.

“Ako po mismo ay nagpabakuna ng aking second booster para hikayatin ang ating mga mamamayan na kumpletuhin ang kanilang COVID-19 booster shots,” pahayag ni Zamora.

“Mahalaga po ang pagbabakuna ng ating mga anak pero mahalaga rin po ang pagbabakuna laban sa COVID-19,” dagdag pa nito.

Sa mga San Juaneños, maari po kayong magparerehistro para sa San Juan City vaccine registration program sa link na ito: https://vaxreg.sanjuancity.gov.ph/vaccine.../public/


About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch