No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Maayos na serbisyo sa mga driver, hiniling ni Sen. Bong Go sa LTO, DOTr

CABARROGUIS, Quirino (PIA) - - Nanawagan si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr) na gawan ng paraang makapagbigay ng plastic card at hindi papel upang hindi na sila pabalik-balik para sa plastik na lisensya.

“Alam niyo kaya nga po may naipasang batas sa panahon ni Pangulong Duterte na limang taon na po ang validity o bisa ng ating card at pag wala kang violations ay maaaring maging sampong taon po ito. Ibig sabihin, para hindi na pabalik-balik ang mga kababayan natin na pumunta at pumila sa LTO,” ani Senator Go.

Sa papayam kay Go sa kanyang pagbisita sa lalawigan kamakailan, pinaalalahanan nito ang mga nasabing ahensya na huwag pahirapan ang mga driver bags sila ay bigyan ng maayos na serbisyo.

“Sa shortage ng supply ng card, e nagbabayad naman po ang mga Pilipino bakit binibigyan ng papel, ano yun papahirapan? Gawan niyo po ng paraan, ang trabaho po natin sa gobyerno ay pagserbisyuhan po ang ating mga kababayan lalung-lalo na po yung mga driver na maiistorbo po ang kanilang mga araw sa pamamasada sa kakapila para kumuha ng lisensya,” paalala ni Go.

Dagdag ni Go, pag papel ang ibibigay na lisensya, hindi maiiwasang mabasa ito pag umuulan at mapupunit at pag hinuli ng pulis ay panibagong problema na naman para sa mga driver.

Sa isang panayam kay Sen. Bong Go, hinimok nito ang LTO na gawan ng paraan ang pagbibigay ng official driver's lincense card para sa mga motorista, upang maiwasan ang abirya sa papel na lisensya.

“Ako po ay nakikiusap sa inyo bilang miyembro po ng Committee of Public Service, ayusin po natin ang ating mga trabaho at serbisyo para sa mga driver natin, na kahit isang kahig isang tuka, pupunta po ang mga yan sa LTO offices para makakuha ng lisensiya, tapos papel lang ang ibibigay niyo, babalik yan para i-claim yung plastic card kawawa naman,” dagdag na paalala ni Senator Bong Go. (TCB/PIA Quirino)

About the Author

Thelma Bicarme

Information Officer III

Region 2

Feedback / Comment

Get in touch