
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na maingat sa mga nagbebenta ng 1000-Piso polymer banknote sa presyong mas mataas kaysa sa halaga nito.
Ayon sa BSP, dapat gamitin ang 1000-Piso polymer banknotes sa mga financial transaction tulad ng pagbabayad para sa mga produkto at serbisyo.
Nauna nang sinabi ng BSP na ang bagong 1000-Piso polymer banknote ay isa sa mga naging tugon upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng publiko dulot ng COVID-19. Gayundin, upang maitaguyod ang environmental sustainability, at mas mapigilan ang pagkalat ng mga pekeng pera. (BSP/PIA-NCR)