MARILAO, Bulacan (PIA) -- Nasa 335 indibidwal ang hired on the spot (HOTS) sa isinagawang mga Labor Day job fair sa Bulacan.
Ito ang idinaos sa SM City Marilao, SM City Baliwag, SM City San Jose del Monte at Bulacan Capitol Gymnasium.
Ayon kay DOLE Provincial Director May Lynn Gozun, pinakamaraming HOTS sa SM City Marilao na may 185.Ito ay sinundan ng Bulacan Capitol Gymnasium na may 76, SM City Baliwag na may 45 at SM City San Jose del Monte na may 29.
Umabot sa 11,513 na mga bagong trabaho ang inialok sa nasabing mga jobs fairs, kung saan nasa 11,178 ang nananatili pang bukas
Karamihan sa mga iniaalok na mga trabaho ay nasa sektor ng advertisement, agribusiness, automotive, banking and finance, construction, electrical, franchising, food, engineering, health care, hospitality and tourism, human resource, manufacturing, retail at wellness.
Samantala, sinabi naman ni Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office Head Kenneth Ocampo-Lantin na ang mga interesado na makapag-apply sa may 11,178 na bukas pang mga trabaho ay kanilang aagapayan.
Kailangan lamang makipag-ugnayan sa official social media page ng PYPESO o sumadya sa tanggapan nito na nasa Blas F. Ople Livelihood Center sa bakuran ng Kapitolyo sa lungsod ng Malolos. (CLJD/SFV-PIA 3)
Nasa 335 indibidwal ang hired on the spot sa isinagawang mga Labor Day job fair sa Bulacan. (Shane F. Velasco/PIA 3)