No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

‘Chikiting Ligtas 2023’ inilunsad sa Naujan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro (PIA) – Inilunsad kamakailan ng Department of Health (DOH) Mimaropa sa bayan ng Naujan ang programang "Chikiting Ligtas 2023 – Measles, Rubella and Oral Polio Vaccine (MR-OPV)’ supplemental immunization activity kontra polio, rubella at tigdas para sa mga bata na 0-59 buwan o limang taong gulang pababa na magsisilbing proteksiyon habang sila’y lumalaki.

Sinabi ni Nurse V, Brian H. Mascariñang na kumatawan kay DOH Mimaropa Regional Director Dr. Mario S. Baquilod na “mas magiging ligtas ang lahat ng bata kung sila ay mabibigyan ng bakuna at amin din itong sinisiguro na ito ay ligtas at epektibo dahil 40 taon na ginagawa ito ng kagawaran sa buong bansa.”

Katuwang ng DOH sa nasabing programa ang Provincial DOH Office (PDOHO), Provincial Health Office (PHO) at Naujan Municipal Health Office (MHO) gayundin sa pagbibigay ng iba’t-ibang serbisyong medical tulad ng libreng blood pressure, blood sugar, urine screening, HIV testing at counseling, serbisyong dental, physical check-up at iba pang serbisyong may kaugnayan sa kalusugan.

Hinihikayat naman ni Mayor Henry Joel Teves ang mga Naujeñong magulang na maaring dalhin sa malapit na health ang kanilang mga anak para mapabakunahan at magkaroon ng proteksiyon laban sa mga naturang karamdaman.

Samantala, suportado din ng pamahalaang panlalawigan ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Gob. Humerlito Dolor kasama si PHO Officer Dr. Cielo Angela Ante, PDOHO Dr. Ramon Bombais, OMPH Pediatrics Department  Medical Specialist, Dr. Shalom Lois Ibañez, Municipal Health Officer Dr. Mary Jean Manalo at iba pang mga kinatawan na may kinalaman sa kalusugan. (DN/PIA-Mimaropa/OrMin/NaujanPIO)

About the Author

Dennis Nebrejo

Writer

Region 4B

Public Information Assistant

Philippine Information Agency

2nd Flr. George Teng Bldg., JP Rizal St., cor. Gozar St., Brgy. Camilmil Calapan City

Email : dennis.nebrejo@pia.gov.ph

Feedback / Comment

Get in touch