No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DENR NCR nagsagawa ground at drone survey sa Pasig River

LUNGSOD QUEZON, (PIA) –Nagsagawa ang Drone Survey Team ng Department of Environment & Natural Resources-National Capital Region ng ground at drone survey noong Huwebes, Mayo 4, 2023.

Sa pamumuno ni  Engr. Patrick Macazo, kasama ng Pasig River Coordinating and Management Office at sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard at Presidential Security Group, isinagawa ang survey mula sa Ayala Bridge hanggang sa Mabini Bridge sa Malacañang Restricted Area na may distansyang dalawang kilometro (2km).

Ang mga resulta ng survey ay gagamitin upang makabuo ng mga mapa na magpapakita ng orihinal na sukat ng Pasig River upang matukoy ang mga iligal na istruktura mula rito.

Dagdag din dito ang paggamit ng mga resulta sa pagbubuo ng river rehabilitation plan na makatutulong para sa mas mabisang paglilinis at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ang Pasig River ay isang tributary river ng Pasig-Marikina-San Juan (PAMARISAN) River System na isa sa tatlong (3) major river systems ng Metro Manila.

Ito ay nag-uugnay sa Laguna de Bay at Manila Bay. Panawagan ng tanggapan ang puso para sa Ilog Pasig ay para rin sa Manila Bay. (denr ncr/pia-ncr)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch