

LUNGSOD QUEZON, (PIA) – May 200 mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod ang lumahok sa Road Safety Training ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na ginanap sa Aquatic Center sa lungsod nitong Mayo 4-5, 2023.
Ang Road Safety Training ay isinagawa sa pamamagitan ng Muntinlupa Traffic Management Bureau (MTMB), Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO), at ng Schools Division Office-Muntinlupa City.
Sa ilalim ng proyekto, itinuro ang tamang pagbibisikleta, ligtas na pag gamit at pagtawid sa daan, kung saan itinuro ang mga ito sa pamamagitan ng aktwal na aktibidad.


Sa pagtatapos ng pagasanay na puinangasiwaan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), gumawa ang mga kalahok ng plano ukol sa kanilang natutunan sa pagsasanay at nagkaroon din ng presentasyon ng mga nalikhang plano.
Dumalo sa programa si Punong Lungsod Ruffy Biazon kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng road safety.
“Ang kampanya natin sa Muntinlupa—maging disiplinado ang mga gumagamit ng kalsada, mapabata man o matanda. Kaya mahigpit din nating ipinatutupad ang traffic rules and regulations,” ani Biazon. (pio muntinlupa/pia-ncr)