No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Karinderya para sa Healthy Pilipinas, inilunsad ng Pasig LGU

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Pormal nang inilunsad ang Karinderya Para sa Healthy Pilipinas, isang programa na pinangungunahan ng Pasig City Health Department.

Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng programa na maging kasangga ang mga lokal na karinderya sa paglaban sa malnutrisyon.

Ang “Karinderya Para sa Healthy Pilipinas” ay mula sa walong health promotion playbooks ng Department of Health.

Gayundin, mula sa suporta ng mga Barangay Maybunga at Rosario, at pakikiisa ng karinderya owners ay masisiguro na ang mga inihahandang pagkain ay angkop sa pangangailangang nutrisyon ng mga buntis, nagpapasusong ina, at mga batang edad lima pababa.

Kasabay nito ay magsasagawa rin ng iba't ibang uri ng health and nutrition education classes habang ipinatutupad ang programa sa loob ng 120 days. (Pasig City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch