No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Palarong Panlalawigan 2023, nagpapatuloy sa bayan ng Bataraza


PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagpapatuloy sa bayan ng Bataraza, na tinaguriang "Pineapple Capital' ng Palawan, ang isinasagawang 2023 Palarong Panlalawigan.

Pormal itong binuksan nitong Mayo 7, 2023 sa pamamagitan ng isang parada na dinaluhan ng mahigit 6,000 na partisipante na kinabibilangan ng mga manlalaro, sports officials at government officials.

Sinundan ito ng isang programa sa pangunguna ng Department of Education-Palawan.

Umabot sa 22 munisipyo sa lalawigan ang nakiisa dito upang magtagisan sa iba’t-ibang sports events at tanging ang bayan ng Kalayaan lamang ang walang delegasyon sa nasabing palaro.

Ang mga magsisipagwaging mga atleta ang siya namang kakatawan sa delegasyon ng Palawan para sa MIMAROPA Regional Athletic Association Meet na gaganapin sa Romblon.

Sa panayam kay Bataraza Mayor Abraham Ibba, naglaan ang lokal na pamahalaan ng Bataraza ng halagang P11 milyon para sa nasabing palaro, habang P7 milyon naman ang ambag ng pamahalaang panlalawigan ng Palawan.

Sinabi ni Bataraza Mayor Abraham Ibba sa panayam sa kanya ng Media na pinaghahandaan na nila ang posibleng pagho-host ng Bataraza sa 2024 MIMAROPA RAA Meet. (OCJ/PIA-Palawan)

Pinag-hahandaan na rin ani Mayor Ibba ang posibleng pag-host ng bayan ng Bataraza para sa MIMAROPA RAA 2024.

Magtatagal hanggang sa Mayo 12 ang Palarong Panlalawigan na may temang "Sports for Health and Peace." (OCJ/PIA-Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch