No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Puerto Princesa South Road, pinabasbasan

Puerto Princesa South Road, pinabasbasan

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Pinabendisyunan ng Barangay Officials ng Bgy. Sta. Lucia ang Puerto Princesa South Road na sakop nito dahil sa madalas na aksidenteng nangyayari dito.

Ayon kay Bgy. Sta. Lucia Punong Barangay Victor T. Balingit, napagkasunduan ng kanilang konseho na pamisahan at pabasbasan ang pangunahing kalsada sa kanilang barangay lalong-lalo na itong kahabaan ng kilometer 27 at 28 sa national highway dahil naniniwala sila na sa pamamagitan ng pagbabasbas dito ay matapos na ang sunod-sunod na aksidente sa kanilang lugar.

"Gusto namin matuldukan na po ang lahat ng aksidente. Baka ito lang ang tanging paraan para matuldukan nga ang mga aksidente dito sa Bgy. Sta. Lucia kaya pinursige namin talaga," pahayag ni Balingit.

Sinabi rin nito na kailangang lagyan na rin ng mga warning signs o babala ang kalsada at pinayuhan din nito ang lahat ng mga nagmamanehong driver nang ibayong pag-iingat kapag dadaan para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Sa pinakahuling aksidente na naganap sa nasabing kalsada kamakailan, apat katao ang agad na binawian ng buhay habang anim naman ang sugatan na dinala sa mga pagamutan sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Iniulat kamakailan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Palawan 3rd District Engineering Office na nakompleto na ang road widening project sa nasabing highway, partikular sa Bgy. Sta. Lucia, na may habang 369 metros. (OCJ/PIA-Palawan)

Ang Puerto Princesa South Road, kung saan natapos na ng DPWH 3rd District Engineering Office ang widening project nito. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palalwan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch